Kung ang employer at unyon ay hindi umabot sa isang kasunduan sa petsa ng pagtatapos ng kontrata, mayroon tayong tatlong opsyon.
Ang unyon ay maaaring:
- Makipagnegosasyon sa pagpapahaba ng lumang kontrata, o
- Patuloy na magtrabaho habang mas ginigipit natin ang namamahala at mas pinapatibay ang kakayahan sa pakikipagkasundo, o
- Mag-welga.
Sa parehong paraan, ang employer ay maaaring:
- Makipagnegosasyon sa pagpapahaba ng lumang kontrata, o
- Magpatuloy sa operasyon habang nakikipagnegosasyon sa unyon, o
- Pagbawalan ang nakikipagkasundong yunit.
Karaniwan sa mga lokal na unyon ang makipagkasundo na lampas sa petsa ng pagtatapos ng kontrata dahil ang dalawang partido ay nagkikipag-usap sa proseso ng pakikipagkasundo at lalong mapalapit sa isang kasunduan.
Upang maabot ang isang patas at makatwirang kontrata, dapat tayong maging handa na gumawa ng aksyon para ipakita sa ating employer na tayo ay nagkakaisa at sinusuportahan ang ating Komite sa Pakikipagkasundo.